Utak talangka

By | January 2, 2024

Ni Edwin Esteba

Hindi maaalis sa ating mga pilipino

Ang mainggit sa kapwa nito

Sa halip kasi na magtulungan tayo

Bakit kailangan hatakin mo pababa ito?

Kung ang isang tao ay may nagagawang mabuti

Matuwa ka kapag siya ay pinupuri

Huwag siyang sisiraan na parang nakapandidiri

Ginagawa niyang mabuti para sa nakakarami

Kung ikaw ay walang maitutulong

Huwag ka sanang panay ang bulong

Kung gusto mong samahan ay maisulong

Kapag tama dapat ikaw ay sasang ayon

Daig mo pa ang isang talangka

Mga kasamahan hihilahin pababa

Sa totoo wala ka naman nagagawa

Kung hindi ang manira sa iyong kapwa

Mataas ang tingin mo sa iyong sarli

Akala mo lugar na ito ay iyong nabili

Sana ikaw ay mag muni muni

Posisyon mo sa iyo ay hindi mananatili