PAALAALA  ni Edwin Esteba

By | March 17, 2023

BUHAY NILA YAN

Kung ano ang nakikita sa kapaligiran

Maaaring bigyan pansin at pagtuunan

Pero kung buhay ng iba ang pakikialaman

Mas mabuti manahimik ka na lamang

Huwag mo silang kakainggitan

Dahilan upang sila ay siraan

Walang magandang idudulot yan

Nakakasira pa ng samahan

Kapag sa iba ay may nakikita tayo

Agad natin ginagawaan ng kwento

Sasabihin na si ganon si ganito

May ginagawang milagro

Bakit hindi manahimik na lamang?

Buhay ng iba huwag pakialaman

Kung mapariwara sila hindi mo kasalanan

Pinili nila buhay na ganyan

Paano kung ito ay walang katotohanan

Pinagsasabi nyo panay imbento lamang

Hindi nyo alam may pamilya kayong nasasaktan

Kung maaari pagkakalat ay iwasan

Kapag kayo naman pinag uusapan

Sa galit nanggagalaite yan

Kulang na lamang makipagpatayan

Pero ang sariling dumi hindi magawang tingnan

#maritespamore