Ngayong Bagong Taon, Happy New Year to all!

By | January 1, 2009

Holy Kalungkaling! From Vatican City,

Si Papa Benedict, kaniyang mensahe:

“Greed will destroy the world” hindi imposible.

Sa paligid – ligid nakikita ire!

* * *

Alahoy! Butchukoy! Ngayong bagong taon!

Apul Dyus! As usual, mga resulusyon!

Babaguhin na raw, yung ganire! Yung ganon!

Parang sirang plaka! Ang singhal ni Tembong!

* * *

Doon po sa atin, sabi ng marami,

Ang mga botante di na ‘pabibili?’

Pipiliin na raw kung sinung ang maige!

Di na kung sino ba, hatag mas malaki!

* * *

Ngayong bagong taon, Pinoy nakatawa,

Kahit na taggutom ang sabi ng masa :

” Kay Loren Legarda, bayan may pag – asa!”

Siyang next president? Bustillos! Legarda!

* * *

Seniors sa Square One at sa Howard Street,

Ngayong bagong taon, laling sinasambit!

Buhe lumawig pa, kahit nakangiwit!

Pension e laking help, doon sa relatives!

* * *

Sir Tomas Kaluban, ang nagbalikbayan,

Sa dalawang grupo, tsk-tsk! mangilan – ngilan,

Ipamamasahe, pinadala na lang,

Tiniis na lamang iring kalungkutan.

* * *

Eskeremengoles! Kani – kaniyang wish

Na ang bagong taon sasna maging da best!

May iiwasan na ang may makagalit!

Pilit na ngingiti, kahit nagngingitngit!

* * *

Porke sa Pinoycom, tararadyingpotpot!

Kanya – kanyang siste, kanya – kanyang istrok!

Kanya – kanyang excuse! Yung mga palusot?

Nabula ang bibig! Ecayu babagot!

* * *

Okedok! Kikodok! Sa laban ni Pacquiao!

Mga nanuod, FCT, Kalayaan,

Tuwa at hiyawan hindi magkamayaw!

Bah, yung magkagalit , h e -he! nagkamayan!

* * *

O, bueno! O, bueno! Staff ng BALITA,

From Ka Ruben and Tess, winiwish namin nga,

Sumaatin nawa itong pagpapala . . .

at i – share sa kapwa anumang biyaya.