Ngayon Bagong Taon! Buhay ay patuloy!

By | January 16, 2014

Alahoy! Kalikoy! Hala! Pinoy bangon!
Tulong – tulong! Tungo sa pagsulung!
Wah! Alang bibitaw ! Anggapo uurong!
Sa habang panahon! Mabuhay ang Pinoy!
***
Sa nagdaang Pasko e nagsalu – salo!
Yung pinagsaluhan e kahit pa ano!
Bastat mahalaga e nabundat tayo,
Sa pagmamahalan! Kahit pa wapeLOO!
***
Ne, umpuk – umpukan duun sa Square One!
Sa Parliament Street! Sa Scarborough Town!
Sa Howard Street! Maging sa Jameson man!
Yung nagdaang Pasko, tema ng usapan!
***
Kanya – kanyang hirit! Kanya – kanyang bangka!
Ating mga seniors e maluha – luha!
Dun sa samut – saring na mga balita
Mula sa kaanak doon sa atin nga!
***
St. Catherine Parish dun sa Hurontario!
Nangag – Simbang – Gabi, daming Filipino!
Sey ni Sister Rhea, kinagalak ito!
Nina Fr. Mario, at Fr. Mar Deo!
***
Bien – bien! Ernie Guinto! Kaniyang parafol!
Nang Pinoy magtipun doon sa Parish Hall!
Inulat ni Jervi! Agad nakalikom.
Pera at relief goods! TY sez ni Tembong!
***
Sa mga trahedya sa year 2013!
E, kaliwat kanan, Pinay na beauty Queen!
Bea Rose Santiago, e mula sa IPEN!
PENPENDESERAPEN! Si Bea, Perfect 10!
***
“ Got to Believe! ” pa din! Oka – ka! |Oka – ka!
Taong 2014, puno ng biyaya?
Karaming Psychic ang kanilang hula!
Lipus ng pag – asa! Sana nga! Sana nga?

***
Year o f the Wooden Horse! Itong Bagong Taon!
Sa ‘Tuwid na Daan’ bawas ang corruption?
Maraming natuwa sa mga survivors!
Dahil si Ping Lacson! Rehabilitasyon!
***
Kung ining Yokaba! O, bueno! O, bueno!
Bibilis ang takbo, magkakatotoo?
Sabit ke Napoles, makakalaboso?
Hi – hi! Di mangyaring, isang Moro – Moro?