Nagkamali man ako

By | January 15, 2023

PAALALA ni Edwin Esteba

Kung ako man ay nagkamali

Sa paghingi ng tawad hindi mag aatubili

Sa kabutihan mo ako ay may isusukli

Kung kinakailangan tanggapin ko na ako ay mali

Wala naman perpektong tao

Wala naman ipinanganak na santo

Kaya kung nagkamali man ako

Sana ay patawarin mo

Hindi ako mapagtanim ng galit

Oo minsan ang ulo ko ay mainit

Pero pagpapakumbaba ko ay hindi pilit

Sa aking kapwa iniiwasan kong makasakit

Kung tayo ay may pinagsamahan

Aalahanin mo iyong may kagandahan

Huwag kang titingin sa aking kamalian

Isipin mo iyong masasayang nakaraan

Hindi man maibabalik ang dati

Ginawa ko naman kung ano makakabuti

Samahan man natin ay hindi manatili

Diyos na ang bahala at siya ang saksi

********