Maligayang Pasko Ang bati sa inyo !

By | December 17, 2011

Alahoy! Alahoy! Sang Maligayang Pasko!
Tropa ng Kalabit, ang bati sa inyo!
Sanman kayo naron sa dako ng mundo,
Ang Diwa ng Pasko lagi nang isaulo!
* * *
Holy Kalungkaling! Doon sa Square One!
(Dun sa ‘waiting area’ o sa ‘departure’ man!)
Sa Howard Street, sa Scarborough Town!
Tsikahan syempre pa! Itong Kapaskuhan!
* * *
Oka – ka! Oka – ka! Kanyang – kanyang bangka!
Pamasko dun satin natanggap na raw nga!
Pasalamat nila, hatid na biyaya!
Kaanak naluha, nalundag sa tuwa!
* * *
Jingle bells! Jingle bells! Nakagiginhawa!
Me isang caregiver dito bagong salta!
Kanyang unang sueldo, agad pinadala!
Pasko ng pamilya! May ubas! Hamon pa!
* * *
Satin makaalis lang! Lawiswis kawayan!
Anumang trabaho dito sasabakan!
Diploma mong hawak, hanyo balang araw,
Kakailanganin! Pakikinabangan!
* * *
Emerald Jubilee! Wow! “Batch ’57”
Ng Mapa High School! Sa atin gagawin!
From US – Canada, e magsisiaten!
Ilang nakatungkod? Ilang naka-wheelchair?
* * *
Sa isang hot spring, dun po sa Laguna,
Reunion gagawin, tubig hot talaga!
Sez Ronnie Almero, bastat magbabad ka!
Feels mo giginhawa! At saka ano pa?
* * *

Okedok! Kikodok! Sa Shoppers Coco juice!
Itinitinda na! Taste kalugud – lugud!
Mas healthy kesa coke! Sa bawat paglagok!
Tuloy ang trabaho! Tuloy ang pag – export!
* * *
Wakanga! WapeLoo! Ewan ko! Ewan nyo?
Survey bumaba raw ang bilang kuno
Ng mga mahirap! Sey nung pilosopo:
“Namatay sa gutom, dumame kase, no?”