Hinaing ng OFW

By | June 5, 2023

Ni Edwin Esteba

Akala yata nila kami ay bangko

Bawat tawag nila pwede sila magwidraw

Hindi nila iniisip mga ofw nagsasakripisyo

Upang makapagpadala ng sustento

Sino ba gustong umalis ng pilipinas?

Kung sa abroad hirap ay makakaranas

Sa mga dahas kailangan pang umiwas

Minsan iyong iba hindi nakakatakas

Minsan mga ofw ay inyo rin tanungin

Pag aabroad ano ba ang layunin?

Hindi ba para sa kinabukasan natin

Bakit ang iba panay ang hingi at hiling?

Sa munting sweldo kanyang pina parti parti

Upang maipadala sa kanyang family

Kaya kung kulang sila sa diskarte

Baka maisipan pa nilang magbenta ng karne

Mga katawan nila ay hindit robot

Sa sobrang hirap na kanilang inaabot

Mga kamay nila ay kumukulubot

Upang sa pamilya ay may maiabot

Mga ofw ay inyong paniwalaan

Kung sa hiling nyo hindi mapagbigyan

Dahil lahat kailangan pagtrabahuhan

Upang sa inyo ay may maipadala lamang

Huwag nyo silang sasabihan na madamot

Dahil sa abroad pera ay hindi pinupulot

Kaya nilang tiisin sobrang pagod

Pero pamilya ayaw nilang nalulungkot