Happy Valentine’s Day! Will love you forever!

By | January 30, 2012

Alahoy! Alahoy! Happy Valentine’s Day!
Sa nangagmamahal binabati namin!
At sa hindi naman, binabati na rin!
Kung hindi mangiti e huwag pilitin!
* * *
Pusong mapagmahal aliwalas ang mukha!
Labing nakababa ala nang panaya!
Wagas na pag – ibig di kumakabila!
Panung “love you always” kung di nadarama?
* * *
Hugis nitong puso anupat iisa,
Pero tinitibok, nepu, ibat iba!
Me tibok palundag! Masayang – masaya!
Tibok malumanay? Bah, magpatingin ka!
* * *
Tararadyingpotpot! Anuman ang tibok!
Kahit hibok – hibok! Magkapetotpetot!
Araw nitong Puso! Ang dating me bertud!
Timyas ng pag – ibig, me gata at pulot!
* * *
Eskeremengoles! San Lorenzo Ruiz!
Ulo ng balita! Impeach! Impeach! Impeach!
Putong na corona e pinatatalsik!
Magkabilang panig nalabas ang litid!
* * *
Sir Tomas Kaluban! Doon sa Square One!
Sa Parliament Street! At Scarboro Town!
Sa Jameson Avenue, di ganung isyu yan!
Tungkol ke Corona, e sobrang kalawang!
* * *
Anak ng Kalikoy! Me binabalinguynguy!
Habang binibida kanyang pinador2dor,
Sa victims ni Sendong, me kung ilang kahon!
Inda, nawawala! Hinagpis ni Tembong!
* * *

Undersickretary Popoy Valentino!
Nagdonate thru Red Cross para segurado!
Yung relief goods naman, e pinadala nito,
Sa office ni Mayor, isang reliyoso!
* * *
Merong nakapuna saming last Kalabit!
Bilang ng stanza, bat nueve? Dapat dyes!
Dahil po ang pang – tenth, e for GING HERNANDEZ!
Taimtim na dasal di ko sinatitik.
* * *
Sa aming 25th Wed Anniversay!
Sa Holy Family binati nya kami!
Ngayong 52nd di bumati kase
Nang muling magkita dun sa ‘Wake’ nya bale.