Gamitan 

By | December 19, 2023

Gamitan 

NI Edwin Esteba

Marami tayong nakakasamuha

Minsan sa iyo kumukuha ng simpatya

Kapag nakatalikod ka ikaw ay kinukutya

Sila iyong may mga dalawang mukha

Noong ikaw ay sinisiraan 

Sabi niya walang kwentang tao yan

Ganon din naman iyong sinasabi sa kanya

Pero ngayon kayo na ay magkakasama

Kayo kayo ay naglolokohan

Akala nyo lang kayo ay magkakaibigan

Pero ang totoo kayo kayo ay naggagamitan

Sa bandang huli mag aaway din yan

Kung ikaw talaga ay masama ang ugali

Kahit kailan wala kang kaibigang mapipili

Kahit ipagpilitan mo pa ang iyong sarili

Katapatan nila sa iyo hindi mananatili

Kapag nasira na iyong reputasyon

Sa inyo may mali silang impresyon

Mga isip ng iba hindi nyo makokondisyon

Huwag nyo nang palalain ang sitwasyon

Kung ang kathniel ay nasira ang tambalan

Kahit matagal na kanilang pinagsamahan

Kayo pa kaya na nagpaplastikan

Itsapwera ka na rin kapag walang pakinabang