Hindi na ako makikisali sa maraming nakapagbigay na ng kanilang comments sa
diumano ay may kagaspangang pagtrato ng mga Pulis Quezon City sa insidente ng
pagkamatay ni Mrs. Trinidad Arteche- Etong. Ito na kasi ang subject ng kadaming
istorya sa dyaryo, radio and tv, mga umpukan, inuman, at simpleng tsismisan ng marami nating kababayan dito sa lupang sinilangan. Sa totoo lang, hindi pa sila nakakarating sa ‘next level’ na …’parricide nga ba o hinde?…sa dahilang gigil sila
sa mga nakita nilang video at litrato ng sobrang pwersa daw ng mga pulis sa simpleng ‘invitation for questioning’ sa mga kaanak at kasambahay ng pamilya ni Mr. Ted Failon, broadcaster at dating congressman sa Leyte province.
Hindi ko naman kilala( as in nakakausap, nakakachika, etc) si Mr.Ted Failon personally but would often hear accounts about him through my friends Jeng Red, head of MassComm at Polytechnic U where he completed his communication degree through nontrad and Becky Cabral, former news manager of the kapamilya channel who was one of those who made it possible for Ted to have his first crack on television.
But when news of his wife, Trina’s untimely demise was reported in media, I was one of the many who were saddened. Sa edad kong ito (don’t ask but compute na lang- I was a UPMassCom grad in ’73) napagdaanan ko na ang pagkawala ng tatlong lubos na minamahal- mga magulang at panganay na kapatid. Nakakatulala. Totoong masakit. Ang pagkalungkot ay dahan- dahang lumalatag simula ng pagkatapos ng libing at ikaw ay papauwi na sa bahay. At that moment, it dawns on the bereaved that, pagdating sa bahay, wala na ang mahal sa buhay na magbubukas ng pinto at babati sa kanya, wala na rin ang taong may unique way of preparing his meals, attending to his many needs at home,napagkikwentuhan ng mga nangyari sa buhay nya sa buong maghapon, and simply being the unobtrusive yet special companion of his life.
I know that it will be very difficult for him and his children to get over or at least, live with their loss.
Libu- libo pa rin naman ang hanggang ngayon ay nakatanghod sa mga susunod na mga pangyayari sa kasalukuyang chapter ng buhay ng pamilya Etong (Ted’s real surname).
Ganun na nga lang ang ipinakitang interes ng maraming Pinoy, dito man sa lupang tinubuan and, I was told, maging sa ibang panig ng mundo tungkol sa balitang suicide ng maybahay ng kababayan nating si Ted Failon.
Twist of fate? All of a sudden, siya ang naging media copy- pinagkikwentu- han, ina- analyze, at dinudutdot ang buhay.
For such is the influence of media, most especially television. Proven na yan ng libu- libong communication surveys and researches worldwide.
Ted talks to us almost everyday of the week via newscast. Dito sa Pinas, he devotes a longer time in DZMM radio in a show he hosts together with Korinna Sancez. Kinikwento nya ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa. May mga komento sya sa marami dito. May mga banat. Mayron ding mga papuri. Imagine, he is only inches/ feet away from us when he does this- almost always on medium shot in the tv screen- very intimate talaga.
Feeling privileged din ang masa.
In him, ang mga manonood at tagapakinig ay nakatagpo ng kaibigan, kasangga at tagapag- Pamagitan ( na makakatulong lutasin ang maraming everyday problems na kung di sa tulong nya o iba pang nasa media ay hindi mabibigyang- pansin tulad ng sa mga problemang nakahain sa I- Patrol mo portion ng kanilang newscast(umaapaw na basura, nangangamoy na estero, di masingil- singil na pension sa GSIS, etc).But still, isa syang taong, although regarded as a friend, ay nakaluklok sa pedestal at itinuturing na star ng kanyang mga tagahanga at maging yung simpleng tagapakinig lamang. Natural,hwag din naman nating kalimutan ang mga taong negatively affected sa mga naging mga tirades in the past ni Mr. Failon sa kanyang mga komentos and kritisismos about powerful people’s activities. Suklam ang
nararamdaman nila kay Ted (dahil nabuko!)
NAGKAKAPROBLEMA DIN SI TED sa buhay, sabi ng masa( take note, dear readers, ganun ang tawag natin sa kanila- Ted, Korinna, Mel Jessica., hindi Mr. Failon, Ms. Sanchez, Ms. Tiangco at Mr. Enriquez, ) Sa tindi ng reportage ng lahat ng dyaryo, lahat ng tv and radio stations (lalo na yung kakumpetensya), halos lahat ng masalubong mo at makakwentuhan ay alam na alam ang mga pangyayari sa big story na kasangkot si Ted.
Or do they?
Usually kasi, ang nalalaman lang ng manonood at mambabasa ay iyong mga
details ng istorya that are fed to them- of course naman! Hindi naman lahat tayo ay pwedeng maging news reporters na tututok sa isang istorya at malalaman ang buong istorya kaagad- agad. Sa rules of news, ang kailangan ay ang ‘what, who, where and how ng istorya. Ang ‘ story behind the news’ ay kalimitang tackled naman by a longer and more in- depth show or story, mga hour- long public affairs shows baga kung saan ang host ay may tanong at sasagutin naman ng guest/ resource persons hanggang madiskurbre ng manonood o tagapakinig ang lalim ng balita..
Sa ngayon, hindi pa rin natin nalalaman ang pangkalahatang istorya. Mula sa law- enforcement side, dami ng naipadalang press release may press conference pa. Sa side nila Ted, wala pa- understandable naman, namimighati ang pamilya. Kung mayron man, pulos accounts ng mga kaibigan, kasamahan sa trabaho, etc. Kaya malabo pa rin.
Suggestion ko lang, sana, ang mga kababayan natin ay magbigay ng malaking pang- unawa at pagbibigay sa pamilya ng namayapa.Masakit ang mamatayan ng mahal sa buhay lalo na sa isang pamilyang Pinoy na napaka-
taas ang pagpapahalaga at pagtangkilik sa institusyong ito.
I can only imagine kung gaano mas masakit yung ‘manner by which Mrs.
Etong died’ na sa bikas ng mga news updates ay tumitibay ang expert assumption na suicide.Otro pa itong parang (parang lang, a?) may suspicion pang nakapukol sa ilang myembro ng Etong houseold.
Let justice run its true course dahil kung tunay na may wrongdoing, dapat namang mamayani ang katarungan in favor of the victim. Dapat lang professional ang approach. Innocent till proven guilty, di ba? Ganun nga, e di gawin ng mga imbestigador yun- wag pitsarahan ang mga naimbitang tatanungin.
At sa media, kita nyo na? Sa ating paghahanap sa katotohanan at sa pagrireport nito, mayron tayong napakalaking responsibilidad sa publiko.. Siguruhin lang natin na FACTS ang ating irireport. Let us not add fodder to more speculations, especially wrong speculations.Wag na tayong kumandidato sa paligsahang pinakatsismosong lahi sa sandaigdigan sa Guinness. Di magandang pagkakakilanlan ng ating tribu yan.
Ipagdasal po natin ang kaluluwa ni Mrs. Etong. Alam kong may mga mahigpit na kadahilanan sya sa kanyang last recourse. Napakahigpit na
kinaya nyang tiisin ang sakit ng pag- iwan sa kanyang mga mahal sa buhay.
Till later, mga minamahal na kalahi!
For comments, please email me at mediastrat@gmail.com