Solar Eclipse 

By | April 11, 2024

Solar eclipse ano ba kahulugan?

Karaniwang tao kaya bang ipaliwanag yan?

Iba’t ibang haka haka naglalabasan

Para sa akin siyensa lamang nakakaalam

Buong mundo ito ay inabangan

Sabi nila taon uli ito bago masilayan

Kaya pagkakataon hindi sinayang

Isa rin ako sa mga nag abang

Nang ito ay aking masilayan

Tuwa ng aking damdamin ang narandaman

Sa hindi maipaliwanag na dahilan

Pansamantala  problema aking nalimutan

Isa lamang ang aking hindi nagustuhan

Mga tao nagpahayag ng mga kasinungalingan

Mga pamahiin ay naglabasan

Daig pa ang mga experto sa kanilang tinuturan

Solar eclipse ano nga ba ang dahilan?

Ano ba naging epekto nito sa karamihan?

Hindi ba nagkaroon ng sandaling katahimikan

Pangkaraniwang pagkakataon ay nasaksihan

Sa paglabas ng solar eclipse ano man ang dahilan?

Isa pa rin ang dapat nating pagtuunan

Sa sarili natin gumawa tayo ng kabutihan

Ipakalat natin ang pagmamahalan