Balita

Pag – atras ni Binay! E, hindi ngayon lang?

Alahoy! Alahoy! Snow umpisa na!

Sasabak na naman sa lamig. Ano pa?
Uwi muna satin sina Lolo’t Lola!
Kung kelan babalik, anila. Ewan ba?
***
Mabuhay ang Bikol! Buti, bulkang Mayon,
Yung pagsabog nito naudlot! Nauntol!
Magsisilikas na mula sa Danger Zone?
Bien – bien! Bikol Express! Masigla ang sipul!
***
Singhal ni Don Petot! Sino ang umutot?
Umaalingasaw! Sa lahat ng sulok!
Bakit ba umatras, kase ba natakot?
Sa pagdidibate lalabas ang bulok?
***
Abangan! Abangan! Ne, kahihinatnan,
Nitong teleseryeng ‘ Trillanes at Binay’
Kanya – kanyang manok! Me nagpupustahan!
Tatakbo/Aatras? Sino sa dalwa daw?
***
PENPENDESERAPEN ni Sir Edgar Sulit!
Pambato! Panlaban! Pagka – Miss Philippines!
Si Jennifer R. Lotz! Cavinti Fiesta, guest!
Kay Jen e ‘Perfect 10!’ Score ng Kalabit!
***
Tararadyingpopot! Kanya – kanyang istrok!
Me mga kabayang bibig e nausok!
Yung pinador – 2 – dor tagal na e no news!
Na natanggap na sa Barangay Kutkut!
***
Sa Shop ni Cabuyao! Doon sa Square One!
Sa Jameson Avenue! Sa Scarborough Town!
Sa Parliament Street! Sa Howard Street man!
Kahong pina – dor2dor pinag – uusapan!
***
Kanya – kanyang hirit! Kanya – kanyang bangka!
Merong hinahayper! Me bibig nabula!
Pangako ng Shippers na ganun petsa nga!
E, darating doon! Pero, nada! Inda!
***
Si DoremifaSol, kening Highlights Express!
Kanyang paliwanag kung bakit nail – late!
Natitingal sa Port ang mga containers!
Dahil sa problemang ngayon ‘tinutuwid!.
***
Hinagpis ni Tembong! Inaalala nya!
Yung nabili sa sale na mga delata!
At kung ilang kilo na bawang at luya!
Bago makarating. expired! Tumubo na!

Exit mobile version