Ni Edwin Esteba
Sa bayan kong mahal ngayon ay may kaguluhan
Dahil mga magnanakaw sy nagtuturuan
Wala gustong malaman sino ang may kasalanan
Dahil kanilang mga sarili ang tatamaan
Sa laki ng pera na pinag uusapan
Malulula ka pala Pilipinas ay mayaman
Ninanakaw lamang ng mga kawatan
Na dapat ay serbisyo para sa taong bayan
Ngayon nga inuumpisahan na imbestigahan
Maanomalyang transaksyon nila aa pamahaan
Pakitang lamang o may katotohanan
Sila lamang ang nakakaalam
Mga kalamidad tayo ngayon ay tinatamaan
Pero sa halip na tayo ay magtulungan
Hinahaluan nila ng pulitika para sa kanilang kapakanan
Sa taong bayan sila ay walang pakialam
Huwag lamang mabawasan kanilang kayamanan
Pero bansang ito ay lalo nang gumugulo
Dahil sa mga nagpoprotestang ito
Dahil alam naman natin sino ang nagpopondo
Para mailihis sa kanila ang mga isyu
Kung sa galit tayo ay magpapadala
Hindi tayo makapag iisip ng maganda
Kaya bago manira sa bawat isa
Ano ba ang magiging resulta? Sent from
