Bawat isa ramdam ko ang inyong paghihirap
Kaya lahat tayo ay nagsusumikap
Pero minsan hindi pa rin sapat
Kaya gumagawa ng paraan ang lahat
Pero may mga taong iba talaga
Sa pangungutang palagi umaaasa
Akala mo palaging may patago sila
Pero napakahirap na singilin sila
Sila ay iyong pinagbibigyan
Dahil baka talaga kailangan
Utang na kalimutan
Sa bandang huli ikaw ay sisiraan
Umaaasa ka na ikaw ay babayaran
Kahit alam mong suntok ito sa buwan
Ngunit ang masama muli kang hihiraman
Mga mukha nila ay may kakapalan
Bawat sentimo iyong pinaghirapan
Naghahanda para sa kinabukasan
Kaya pagtitipid ay kinakailangan
Pero ang lahat ay mauutang lamang
Sa mga bigay mo hindi sila nasiyahan
Minsan hindi ka pa nga mapasalamatan
Nakukuha ka pa nilang sumbatan
Sa mga serbisyong iyong binayaran
Marami talaga ang mukha ay may kakapalan
Akala nila kasosyo ka sa iyong pinaghirapan
Obligasyon mo na palagi sila tulungan
Abusado sila yan ang masaklap na katotohanan