Wala tayong magagawa kung sila ay pauuwiin na
Lalo na kung mga papel nila ay expired na
Kaysa naman sila ay mahuli pa
Na nagtatrabaho ng illegal para kumita
Sumubok sila na dito ay pumunta
Makipagsalaran baka sakaling magkapapel sila
Pero dahil nagbago patakaran ng Canada
Dahil sa mga abusadong dito ay nagpunta
Ang pagpunta nila dito ay walang kasiguruhan
Gumastos ng malaki ang iba inisponsoran
Meron ang iba ay napapelan
Pero ngayon nagkakahigpitan at nagkakahulihan
Kaya marapat lamang na sila ay umuwi muna
Kaysa mga papel nila ay magkaproblema
Para kahit anong oras makakabalik sila
Batas ng Canada irespeto nila
Nakakaawa rin naman sila
Pero karamihan ay umabuso sila
Kabaitan ng bansa ng sinamantala nila
Akala nila ito ay pangmatagalan na
Kung ang Canada ay para talaga sa inyo
Subukan nyo na lang bumalik dito
Dahil kung maganda ang record nyo
Walang imposible lalo na kung kayo ay kwalipikado
