Balita

Suporta ay ipahayag at maging mapagmatyag

Kung ang kandidato mo ay nanalo

Huwag nang mang asar at makipagtalo

Sa resulta maging masaya tayo

Nairaos ang election na walang gulo

Hindi naman natin maikakaila na may dayaan

Sa pamamagitan ng pagbili ng boto dinaan

Sinamantala naman ito ng iilan

Magkabilang panig hiningian

Pero ngayon kayo na ay nanalo

Nalalapit na ang pagsisilbi nyo

Sana naman tuparin mga pangako nyo

Iyong makakatulong sa nasasakuoan nyo

Ang pagbabago ay hindi isang mahika

Sa isang kumpas matutupad na

Mamamayan kailangan din ang inyong suporta

Sa gobyerno huwag naman lahat iaasa

Kung kayo man ay magkakaiba ng partido

Palaging isipin paglilingkod sa tao

Sa posisyon huwag namang umabuso

Mas maganda kung magkakasundo kayo

Kaya lahat ay maging mapagmatyag

Sa plataporma  ng mga nanalo na kanilang inihayag

Kung kahit isa ay walang matupad

Sa susunod na election dapat silang magbayad

        ***************

Exit mobile version