Sugal

By | August 1, 2025

Ni Edwin Esteba

Ang bisyong ito ay walang mabuting maidudulot

Sa buhay natin ito ay isang salot

Ang pera ng iyong kalaban hindi mo mahahakot

Kapag ikaw ay natalo napakalungkot

Noong una ako ay tuwang tuwa sa panalo

Kaya linggo linggo ako ay nasa casino

Akala ko wala nang katapusan ito

Pero sunod sunod dumanas ako ng pagkatalo

Pero dahil sa pandemic nahinto ito

Kaya ang casino ay nagsarado

Pero sa online gaming nabaling atensyon ko

Mas malaki pala itong pwerwisyo

Pero sabi nga sa sugal walang yumayaman

Kapag pinagpatuloy mo ubos iyong pinaghirapan

Pamilya ay masisira lamang

Kapag bisyong ito hindi mo tinantanan

Kaya ako ay namulat na sa katotohanan

Pagsusugal pilit nang tinigilan

Hindi man diretsahan maiwasan

Pero kontrol sa sarili una kong pinag aralan

Marami akong mga kilala dito sa canada

Sa sugal ay nagumon sila

Ultimong bahay nila ay nabenta

Iyong iba hiniwalayan pa ng asawa

Ibinahagi ko ang aking karanasanan

Upang ang iba ay huwag tularan

Humanap ng ibang mapaglilibangan

Pakiusap sugal ay ating iwasan