Sino ba ang may kasalanan ?

By | September 18, 2025

Tuwing eleksyon kayo ay bomoboto

Pinipili nyo ang inyong gusto

Minsan sa kamag anak ipinipilit pa ito 

Dahil naniniwala na tama kayo

Ngunit ngayon nagsisilabasan ang anomalya

Sa mga bomoto sa kanila ikaw ay isa

Nadala ka sa magandang pananalita nila

Mandurugas din pala sila

Marami naman kasing kwalipikado

Iyong hangad talaga ay magserbisyo

Pero dahil ayaw nyo sa kanilang partido

Pinepersonal nyo ang inyong pagboto

Sino ba ang nagluklok sa mga pulitikong dorobo?

Hindi ba kayo rin na sa kanila ay bomoto

May iba naman na alternatibo

Pero mas pinili pa natin maging bobo

Ngayon tayo ay nagsisihan

Kanya kanya ng turuan

Pero paulit ulit naman iyan

Wala hanggang katangahan

Kahit ilang beses na inyo ay ipaalala

Sa pagpili ng ihahalal imulat ang mata

Lahat nang ito ay walang kwenta

Kung ang dangal natin ay ibinebenta Sent from Yahoo Ma