Marami ang naghahangad makapunta ng Canada
Sa anumang paraan sinusubukan nila
Kaya maswerte kung may kamag anakan ka
Handa kang tulungan upang dito ay makapunta
Isang sugal iyong iisponsoran ka
Dahil hindi namin alam magiging resulta
May mga tinulungan na naging pasaway pa
Sa bandang huli masama ka pa
Marami na akong mga nabalitaan
Na meron silang mga tinulungan
Pangako nila ay pagbubutihan
Pero nang makarating iyo pa lang pagsisihan
Hindi naman lahat ay ganon ang kapalaran
Maaaring meron na iilan
Pero kung sakit ng ulo ang iyong makakamtam
Sa pagtulong sa kanila, mabuti pang huwag na lamang
Huwag nang pag usapan ang gastos
Pero iyong iba nagiging bastos
Kung sumagot wala sa ayos
Kaya ikaw nagsisisi ng lubos
Hindi naman masama ang tumulong
Pero pagsisihin mo pala iyon
Sakit ng ulo at kunsumisyon
Sana sa iba ito ay maging leksyon
Kaya kung ang iba ay ayaw tumulong
Maaaring ayaw nila ng kunsumisyon
Lalo na iyong iba ay walang konsiderasyon
Masisisi mo ba sila sa kanilang desisyon
Kaya kung ayaw mong magkaroon ng stress
Pagtulong pag isipan ng ilang beses
Pagtanda mo ay mapapabilis
Pagsisisi mo ay hindi maaalis