Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon
Upang sa kahirapan ay makaahon
Lalo na kung sa bisyo ikaw ay nalulong
Sino ang magtitiyaga na sa iyo ay tumulong?
Kung iniisip natin ang ating kinabukasan
Hindi hadlang ang ating kahirapan
Lahat ng bagay na dumadating ay pinapahalagahan
Tagumpay ay ating makakamtan
Iwasan natin ang mapagmataas
Lumaban lamang tayo ng patas
Sa batas ng tao ikaw man ay makaiwas
Mayroon sa iyong nagmamatyag na nasa itaas
Kung ano man meron ka ngayon
Resulta iyan ng iyong mga desisyon
Hindi mo inisip sa iyo ay mga tumulong
Papasalamat ka pagdating ng takdang panahon
Sana ikaw na ay matuto
Pangaral pala sa iyo ay totoo
Siguro naiisip mo ngayon ito
Tama pala kung nakinig ako
Hindi lahat ng tumutulong ay may kapalit
Maaaring sila ay nagmamalasakit
Pero kung ang ibinigay mo ay pasakit
Palagay mo sila pa ay uulit
Sabi nga hindi pa huli ang lahat
Habang mga mata natin ay dilat
Sa pagbabago tayo ay karapat dapat
Sa katotohanan tayo ay mamulat
