Balita

May Masasabi Pa rin

Tayo ay kusang tumutulong

Walang hinihinging kondisyon

Kahit hindi natin sila obligasyon

Yan ang ating misyon

Pero ibinigay mo nang lahat

Para sa kanila hindi pa ito sapat

Kahit ikaw din ay naghibirap

Gusto mo rin silang makatikim ng sarap

Kahit gaano kalaki ang iyong naitulong

Malilimutan din nila pagdating ng panahon

Isang pagkakamali mo sa iyong desisyon

Wala silang maitulong na solusyon

Masakit man nating aminin

Pero ito ay nakakasakit ng damdamin

Magiging masama ka sa kanilang paningin

Minsan hindi mo mapagbigyan sa kanilang hiling

Tayo ba ay kanilang masisisi ?

Magtampo sa kanilang mga sinasabi

Sa paningin nla wala kang silbi

Kahit ikaw ay nakagawa ng mabuti

Ngunit likas sa atin ang pagiging mabait

Kahit na mga sinasabi nila ay masakit

Tiisin mo sila ay iyong pinipilit

Pero sa puso mo pagihinh mabait ay nakaukit

Exit mobile version