Balita

Maleta ng bakasyunista 

 Palagi nila ginagawang isyu ang maleta

Nakita ba nila kung ang laman nito ay pera

Sa harap ba nninyo ito ay binilang nila 

O baka naman tayo ay nakikitsismis sa kanila

Huli kong bakasyon ako rin ay may maleta

Laman ay tuyo saka mga sitsirya

Mga damit ko nga ay hindi na nagkasya

Sana laman nito ay tunay ngang pera

Sa Pilipinas marami na tayong problema

Sa halip magtulungan nagsisiraan pa

Ganyan ang nagagawa ng pulitika

Lalo na at nagkakamal sila ng pera

Sa aking pag uwi isang maleta lang ang dala

Dahil pagkakabili ko ng tiket ay mura

Kaya ng binuksan ay nagulat sila

Wala akong pasalubong sa kanila

Pero kahit ganon bakasyon ko ay naging masaya

Namasyal kahit gas ay mahal at maaksaya

Dahil ang mga memories ay maganda

Taon taon uulitin ko pa

Iyan ang maleta ng bakasyunista

Pagbalik namin dito sa Canada

Bagoong tuyo alamang ang dala

Dahil sa pilipinas perang baon ay naubos na Sent from Yahoo Mail for iPho

Exit mobile version