Balita

Makabayan ba o panatiko ?

Iwasan natin na sila ay gawing idolo

Sa mga pulitiko huwag tayong maging panatiko

Dahil tuwing eleksyon tayo ay kanilang niloloko

Mga pangako nila na alam nating hindi totoo

Ilang pangulo na ba ang ipinaglaban nyo?

Tanong ko may nabago na ba sa buhay nyo?

Lahat na ba tayo ay may trabaho?

O asa pa rin sa ayuda ng gobyerno

Sigaw ng iba para daw sa kinabukasan ng kanilang anak

Pero may mangyayari ba kung hindi tayo magsisikap

Pag aralin natin sila upang matupad mga pangarap

Hindi aasa sa mga pulitikong corrupt

Wala namang pumipigil sino gusto nyo iboto

Pero kung ang ibinoto natin ay natalo

Irespeto natin kung sino man ang nanalo

Hayaan natin sila magserbisyo at matapos ang termino

Pero dahil sila ay may gustong pagtakpan

Ayaw maungkat mga ginawang kalokohan

Magpapalabas ng mga kasinungalingan

Nagagamit pa ang panatikong taong bayan  

Exit mobile version