Magkaibigan

By | February 27, 2026

Matagal nang panahon ang inyong naging samahan
Sa bawat araw puno ng tawanan
Pagiging magkaibigan hindi matatawaran
Sikreto ng bawat isa pinagtatakpan


Ngunit dumarating ang pagkakataon na nagkakasiraan
May mga bagay na hindi rin nila napagkakasunduan
Kung anuman ang dahilan sila lang ang nakakaalam
Kaya sa kanilang problema wala tayong pakialam


Kung sa kwento ng isa ay ikaw basta naniniwala
Habang sa mga kwento nya siya ang kinawawa
Pero inalam ba natin kung sino ang tama
Lahat ng sinasabi ng bawat isa ay masama


Sa kanilang mga problema hindi tayo dapat makialam
Lalo’t hindi natin alam pinag umpisahan
Baka humahanap sila ng mapaghihingahan
At baka sakali nga naman sila ay ating kampihan


Sila ang mga taong dapat nating iwasan
Kung tunay nga nilang kaibigan nagagawang siraan
Tayo pa kaya sa kanila ay mahalaga dahil may pakinabang
Sa bandang huli tiyak magkakatrayduran

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.