Isang pamilya magkakalaban sa pulitika
Para sa akin walang itulak kabigin sa kanila
Dahil sa pagtulong sa kapwa sila ay kilala
Kaya mamamayan ng bayan natin minahal sila
Pero kung ako ang tatanungin?
Bakit natin sila paglalabanin?
Kung iisa naman ang kanilang layunin
Ipagpatuloy ang pagiging matulungin
Ngunit ang pamilyang ito sa serbisyo ay kilala na
Masasabing sa performance ay subok na
Bakit pa natin paglalabanin sila?
Kung pwede naman sila ay magkaisa
Sa kanilang paglalaban , sino ang makikinabang?
Dapat ang panalo ang taong bayan
Iyong dadalhin tayo sa kaunlaran
Hindi pahahawak sa mga trapong politician
Masakit na makita na sila ay naglalaban
Masisira magandang pagsasamahan
Dahil lamang sa pagpapamanipula ng mga kalaban
Pero sa bandang huli mananaig pa rin pagmamahalan
Kung hindi sila magbibigayan
Huwag naman sana masira ang samahan
Ang dapat nating suportahan
Iyong sa bayan meron nang napatunayan
****************