Ni Edwin Esteba
Taon taon tayo ay dinadalaw ng kalamidad
Pigilan tayo ba ay may kapasidad?
Pagbaha sa mga lalawigan at siyudad
kalunos lunos na resulta ang tumambad
Masyado nating binababoy ang kalikasan
Kapaligiran ginagawang basurahan
Pagputol ng mga kahoy sa kagubatan
Mga pagkaquary dapat iwasan
Climate change nga ba ang dahilan?
Kaya bagyo lindol laging nariyan
Ito naman ay kayang paghandaan
Kung atin lamang pagtutuunan
Masyado kayong busy sa pulitika
Mga idolo ng bawat isa inuuna
Baka iyong iba diyan ay nagkakapera
Kalamidad kanilang sinasamantala
Ang kailangan ngayon ay pagkakaisa
Iwasan na muna ang pulitika
Tulungan na muna ang isa’t isa
Para makabangon ang lahat mula sa sakuna
