Sarap sa pakiramdam
Mawala mga agam agam
Iyon bang kailangan nating maglibang
Upang sa buhay hindi tayo mahibang
Wala na tayong ginawa kung hindi magtrabaho
Sarili naman natin dapat inaasikaso
Dahil nagkakaedad na tayo
Baka ang panahon hindi na pumabor sa iyo
Kung sa buong buhay mo ikaw ay abala
Hindi inisip na magpakaligaya
Baka ngayon ang panahon na
Para buhay maging masaya
Kahit gaano pa karami ang naipon mo
Pero kung malungkot naman ang buhay mo
Anong silbi pa na nagpakahirap tayo
Kung hindi bibigyan kasiyahan buhay mo
Walang halong kaligayahan
Kahit konting sandali hirap ay makalimutan
Kaya dapat tayo ay magbakasyon naman
Problema lahat ay ating iwanan
Hindi tayo nakakasiguro sa buhay natin
Baka bukas tayo ay wala na rin
Kaya dapat natin samantalahin
Magbakasyon magliwaliw habang kaya pa natin