Ating Itama ang lahat

By | January 7, 2026

Lahat naman tayo ay may karapatan magbago

Sabi nga hindi pa ito ang katapusan ng mundo

Para isipin ikakaganda ng buhay mo

Kaya ngayon atin nang simulan ito

Marami tayong pagkakamali sa ating buhay

Mga desisyon na sa emosyon ibinabatay

Kaya sa maling desisyon marami ang nadadamay

Iyan ang dapat nating baguhing tunay

Minsan akala lahat natin tayo ay tama

Ating mga ginagawa ay hindi nakakasama

Sa ating mga mali walang nagtatama

Kaya tuluyang napapariwara

Pero kung iyong pag iisipan

Mga ginagawa mo ba hindi ka naaapektuhan

Baka ikaw ay nalulong na sa kasamaan

Huli na ang lahat ng ikaw ay matauhan

Ilang na beses ko nang pinilit na magbago

Pero muli’t muli bumabalik ito

Siguro hindi pa ako seryoso

Kailan ko siguro ng gabay nyo

Kung isa man tayo sa nasa sitwasyong ganito

Pamilya palagi ang iisipin mo

Habang hindi pa huli ang lahat at magsisi tayo

Panahon na siguro upang magnilay nilay tayo