Panatiko at loyalista naglalaban
Kanya kanyang labas ng kaalaman
Mga nagpapanggap sa batas ay may alam
Babaliktutin ang lahat sa argumento manalo lamang
Mga loyalista si bbm ang kanilang pinaglalaban
Ipinagtatanggol sa mga naninirang kalaban
Habang mga panatiko si sara ang kanila naman
Kahit mga fake news pinapatulan
Sa isyu ng mga maleta walang laman na maipakita
Upang malaman tunay ba ang ebidensya
Habang impeachment ayaw maituloy nila
Para lumabas sana kung may tunay na sala
Tayong mga pilipino ang tunay na apektado
Habang mga magnanakaw nagkakagulo sa senado
Upang mailihis ang tunay na isyu
Upang hindi sila maalis sa pwesto
Kanya kanyang gawa sila ng pag iimbestiga
Hndi pa nga tapos pero meron ng paghuhusga
Mga namumuno may mga isyu at kaso sila
Paano natin masasabing tama kanilang pag aakusa
Sana maging patas ang laban
Kung ang senado ba ay independent at walang pinapanigan
Dapat magkaisa sila at ilabas ang katotohanan
Kahit madamay pa mga kasamahan
Kaya sa susunod na elekson kayo ay maging matalino
Huwag maging loyalista at panatiko
Maraming kandidato na mas kwalipikado
Hindi sila nananalo kapag hindi kayo naging matalino sa pagboto
Habang may mga pulitikong tumatakbo
Na ang iniisip paano magpapayaman ito
Asahan nyo walang mangyayari sa ating gobyerno
Tayo pa rin ang kikilos upang tayo ay umasenso
**********
