Ni Edwin Esteba
Bakit may mga tao na hindi masaya para sa kapwa mo
Hindi nila matanggap na may umaasenso
Sa halip na matuwa at batiin ito
Tila gumagawa pa ng ikababagsak mo
Dapat tayo ay maging masaya para sa kanila
Lalo na kung alam mong pinaghirapan nila
Ipanalangin natin na magtagumpay sila
Sa mga landas na tinatahak nila
Sa halip na hilahin natin sila pababa
Dapat sa tagumpay nila tayo ay matuwa
Dahil kung meron tayong magandang ginagawa
Makakaiwas tayo sa paggawa ng masama
Kung gusto rin natin magtagumpay
Huwag tayong maging pasaway
Kapalaran natin sa ating mga kamay nakasalalay
Kaya palagiang gumawa ng magandang bagay
Kung sa kapwa natin tayo ay walang halong inggit
Sa kanila huwag kang mag iisip ng pangit
Kung mali ka huwag mong ipipilit
Tiyak ang grasya sa iyo ay lalapit
Kung lahat tayo ay magiging masaya
Lahat ay may malaking pag asa
Buhay natin ay magiging maganda
Nakangiti palagi sa atin ang magandang umaga
******************************
