Ilang tulog na lamang
Marami na ang kinakabahan
Hinihintay magiging resulta ng halalan
Kanilang pera ubos sa kampayahan
Sa dami nilang nagastos upang makakuha ng boto
Paano babawiin kapag sila ay nanalo?
Dahil hindi naman ganoon kalaki ang sweldo
Nitong mga naghahangad na makapwesto
Maraming budget ang pag aagawan
Na tiyak ibubulsa nila lamang
Upang makabawi sa ginastos sa halalan
Kaya sa bandang huli kawawa ang madlang bayan
Marami silang mga ipinangako
Habang kayo ay kanilang sinusuyo
Pero tiyak na ito ay mapapako
Dahil uunahin nila ang kanilang tubo
Mga kababayan ko, handa na ba kayo?
Na mga artista at komedyante mauupo sa gobyerno
Hindi na ba talaga tayo matututo
Sa konting pagsayaw nila kayo ay naengganyo
Karamihan sa kanila ay hindi kwalipikado
Kinuha lang silang tumakbo upang humakot ng tao
Pero karamihan sa atin nabubudol ng mga kandidato
Dahil hndi tayo marunong pumili ng totoong magseserbisyo
May mga kandidato pang relihiyoso
Hinangad na rin maging pulitiko
Baka kapag sila ay nanalo
Loyal nila ay hindi sa gobyerno
Pilipinas, ngayon kung handa na kayo
Sana sa pagboto maging matalino
Sa konting pera huwag papatukso
Iboto sana ang tamang pulitiko
******