Ganda ng Palawan! Babalik – balikan!

Alahoy! Alahoy! Ala nang sasaya!
Bakasyon dun satin, kaibang – kaiba!
Lalut ke tagal nang di nakauwi ka!
Sa NAIA palang haping – hapi ka na!
* * *
Paalala, ingat! Sus, paulit – ulit!
Kaingat kanino? Tinamaang lintik!
Huh! Si Joe Damasco, agad niyang sambit!
“Sakin sila ingat!” Saka humagikgik.
* * *
Si Pilosopong Lao, pinagmamalaki!
Ganda ng Palawan e primera klase!
Babalik – balikan! Ipinagsasabi!
Sez ng mga tourists: “Pinas e masuerte!”
* * *
“Matuwid na Landas” ni President P – Noy!
Anak ng Kalikoy! Sana tuloy – tuloy!
Para nun maganyak, na umuwi doon!
Me sumasalungat? Wang! Utak munamon?!
* * *
Dun po Square One, kahit sang ‘area’ man!
‘Waiting’ o ‘Departure’ lagi nang usapan:
Pag – uwi sa atin for good inaasam!
Kaso old age pension kahinahinayang!
* * *
Tararadyingpotpot! Kanya – kanyang hilot!
Me unat! Me hukut! Me tuwa! Me lupnut!
Basta nasipa pa! Dito ay oke – dok?
Kay Kiko ka baga? O, kay Geraldine Cruz?
* * *
Sir Tomas Kaluban! Di na magtatagal!
Kamalamala nyo e winter na naman!
Howard Street seniors, at Scarborough Town!
Bakit ngayon palang, winter coat suot daw?
* * *

Fiesta ng Cavinti! Chair si Jenny V. Cruz!
Sa Mahal na Patron, pasalamat, lubos.
Dun sa Mississauga, Gala e dinaos!
‘Baha’ ang kakanin! Baka from FV Foods?
* * *
Aking Sickretary, hindi nakadalo!
Porke selebrasyon napaaga ito!
Imbes na Agosto, e ginawang Julio!
Chair Ed Avelino, sa next year ba ditto?
* * *
Tara! My World Concert ni Ms. Ruth Morales!
Dun sa Quality Inn, October 2nd gid!
Sey ni Ed Fajardo: “Hey ! Move over, Charice!”
Me taga – Cabuyao, bumula ang bibig!

Comments are closed.