LIWANAG SA DILIM

KABANATA 38

HINDI PANGKARANIWANG HONEYMOON

IYO’Y isang nakaiinggit, naiibang honeymoon. Apat na pares sila, sa halip na isang pares nang bagong kakakasal, na siyang pangkaraniwan. Bukod sa kanilang walo ay kasama rin nila sina Bien, Corazon at Attorney Magtanggol.

At upang lalong maging di pangkaraniwan, ang kanilang tour guide ay si Bien na kung kanilang pabirong tawagin ay Most Reverend Father Bien Escobar, na humingi ng dalawang linggong bakasyon pagkatapos ng kanilang kasal upang magsilbing tour guide sa kanilang pamamasyal at upang makasama si Corazon nang matagal-tagal.

Ayon kay Major Martelino, ito na rin ang kanilang belated honeymoon sapagkat noong sila ay bagong kasal ay hindi sila nag-honeymoon dahil sa tawag ng kanyang tungkulin.

Ayon kay Sebatian ay ito na rin ang kanilang delayed honeymoon sapagkat sa kanilang kalagayan, ang honeymoon ay panaginip lamang.

“Kalimutan na natin ang ating romantic honeymoon. Matagal na kaming tapos diyan,” sabi ni Carlo.

“Huwag kang maingay,” pabirong sabi ni Atty Magtanggol. “Baka marinig ka ni Father Bien. Kasalanan iyon.”

At silang lahat ay natawa.

“Ang pamamasyal na ito ay tila isang pamilya,” sabi ni Raphael.

Ang sumunod ay pitong na araw na pamamasyal sa mga makasaysayang lugar sa bansang Israel.

Mga alas sais ng umaga ay sabay sabay silang mag-a-almusal. Pagkatapos ay babalik sila sa kanilang mga hotel upang mag-shower at maghanda. Mga alas siete y medya ay handa na silang mamasyal.

Uuwi sila ng mga alas sais o alas siete ng gabi. Sabay-sabay silang maghahapunan sa dining room ng hotel na kanilang tinutuluyan. Maaga silang magpapahinga.

Sakay nang inarkilang air conditioned at first class na van, kasama na ang driver, araw-araw, sa susunod na pitong araw ay araw ng paglalakbay at pamamasyal.

NAGLAKBAY sila patungong hilaga sa dating lumang daanan na kaagapay ng Mediterranean Sea, na kung tawagin ay Via Maris.

Ang una nilang pinuntahan ay ang Caesarea Maritima na isang dating Phoenician port na itinayo ni King Herod bilang pagdakila kay Caesar Augustus noong 22 BC. Sa port na ito bininyagan ni St. Peter ang centurion soldier na si Cornelius. Dito rin nabilanggo si Paul ng dalawang taon bago siya nagpunta sa Rome. Humanga sila sa hindi kapani-paniwalang  Roman Theatre, Herod’s Amphitheatre at ang hindi rin kapani-paniwalang Roman Aqueduct.

At kung may alinlangan man sila na ang mga pangalang binabanggit sa bibliya ay hindi totoo, iyon ay nawala ng kanilang masaksihan ang isang commemorative stone na binabanggit ang pangalan nina Pontius Pilate at Emperor Tiberius.

Isa-isa, pares-pares at grupo ay nag pose sila at nag-click ang kanilang digital camera at ang flash ay tila kidlat na kumindat sa hangin. (Ang tagpong ito ay inulit at uulitin sa iba pang makasaysayang mga lugar na kanilang bibisitahin).

 “Noong araw ay may alinlangan ako sa mga sinasabi sa New Testament ngunit nang makita ko ito ay nawala na,” sabi ni Attorney Magtanggol ng sila ay sakay ng van at patungo na sa susunod na lugar na kanilang bibisitahin.

“Alam ninyo,” sabi ni Raphael. “Ang paglalakbay ang sa palagay ko ang isa sa pinakamabisang paraan upang ang kaalaman ng isang tao ay dumami at ang karunugan ay tumaas.”

“Naniniwala ako,” sabad ni Carlo. “Pero sino ang makakakaya nang ganitong paglalakbay.”

“Kung makain ay wala, Mag-tour pa kaya,” sabi ni Sebastian.

“Sana ang lahat ng Pilipino ay mabigyan ng pagkakataong makapaglakbay,” sabi ni Raphael.

“Kagaya ni Rizal,” sabi ni Attorney Magtanggol. “Nakapaglakbay siyang maigi kaya marami siyang alam. Nakita niya ang uri at ayos ng pamumuhay ng mauunlad na mga bansa, kaya pangarap din niyang maging katulad ng mga iyon ang Pilipinas.”

TUMULOY sila sa payapang Mount of Beautitudes, na ayon sa banal na kasaysayan ay lugar na ginanapan ng “Sermon of the Mount” nang Panginoong Hesukristo.

Narito, sa ibaba ng isang katamtamang taas na hilis makikita ang ginanapan ng “Sermon of the Mount. Narito ang labi ng isang maliit na Byzantine Church, na natagpuan noong 1935. Ngunit pinili ng mga Franciscan Fathers na itayo ang bagong Church of the Beautitudes sa itaas ng hilis. May walong sulok na dinding ang simbahang ito. Sa bawat dinding ay nakasulat ang isa sa walong “Blessings” at ang ikasiyam ay nakasulat sa dome ng simbahan.

Tumayo ang kanilang mga balahibo nang basahin nila ang mga ito.

Sa bawat dinding ay nakasulat ang isang blessing. Sinasabi ng bawat blessing:

“Blessed are the poor in spirit: for theirs is the kingdom of heaven.”

“Blessed are they that mourn: for they shall be comforted.”

Blessed are the meek: for they shall inherit the earth.”

Blessed are they which do hunger and thirst after righteousness: for they shall be filled.”

“Blessed are the merciful: for they shall obtain mercy.”

“Blessed are the pure in heart: for they shall see God.”

“Blessed are the peacemakers: for they shall be called the children of God.”

“Blessed are they which are persecuted for their righteousness’ sake: for theirs is the kingdom of heaven.”

At sa dome:

“Blessed are ye: when men shall revile you, and persecute you, and shall say all manner of evil against you falsely, for my sake.”

“Rejoice and be exceedingly glad: for great is your reward in heaven: for so persecuted they the prophets, which were before you.”

Lumuhod sila’t nanalangin sa makabagong simbahan. Lumabas sila pagkatapos at minasdan ang tanawin. Tumingin sila pababa sa hilis at minasdan ang ganda ng Sea of Galilee.

SA di kalayuan doon ay ang Tabgha. Narito ang “Church of the Multiplication of the Loaves and the Fishes.” Sa lugar na ito, ayon sa banal na aklat, ay limanglibong tao ang dumating upang makinig sa Panginoon. Nang sabihin ng Panginoon na pakainin sila ay sumagot ang kanyang mga apostles na mayroon na lamang limang pirasong tinapay at dalawang isda. Pagkuwa’y binendisyunan daw ng Panginoon ang tinapay at isda at iyon ay dumami at ang lahat ay nagkaroon ng pagkaing tinapay at isda.

Ang batong mesa na ginanapan ng milagro ay naroon pa, na ayon sa kasaysayan ay ginawang altar ng mga simbahang itinayo. Naroon din ang nalalabing mahahalagang alaala ng mga naunang itinayong simbahan bilang paggunita sa himalang naganap – ang bahagi ng mosaic floor na sa disenyo ay kalakip ang ilang isda at tinapay.

AT sino ang hindi mamamangha ng sila ay magpunta sa Masada – ang fortress na ipinatayo ni “Herod the Great” bilang kanyang huling depensa kung ang nasa ilalim ng kanyang mga kapangyarihan ay magrebelde o kaya ay salakayin siya ni Cleopatra ng Egypt.

Ang Masada ay sagisag ng kadakilaan ng isang lahi. Nang bumagsak ang Jerusalem noong 70 AD, isang pangkat na binubuo ng mga 960 panatikong mga Hudyo ang nag-baricade sa Masada. Tatlong taong nasa kanilang kapangyarihan ang Masada. Nang alam nilang sasalakayin na sila ng mga Romans at alam nilang wala silang laban ay ipinasiya nilang magpakamatay kaysa maging bihag.

Sumakay sila sa makabagong cable car na magdadala sa kanila sa tuktok ng Masada.

Narito ang mga saksi ng uri ng pamumuhay ng isang makapangyarihan at ang mga labi ng mga pinagmulan ng mga karangyaang ating dinadanas sa kasalukuyan: Narito sa apodyterium – ang masasabing katumbas ng Roman bath na masasabi ring pinagmulan nang paggamit ng bath tub. Narito sa caldarium ang hot room na masasabing pinag-umpisahan sa paggamit ng sauna bath. Narito sa mga labi ng Byzantine Church, na itinayo noong 6th century AD, ang napakagandang mga mosaics. Narito ang mga water cistern  na lagayan ng mga tubig na masasabing sa mga mahihirap na lugar sa buong daigdig ay katumbas ng balon.

BUMABA sila sa Masada at tumungo sa Dead Sea upang patunayan kung totoo pala nga ang mga sinasabi, na ito ay nasa pinakamababang panig ng daigdig, na ang tubig ditto ay 33% na asin at kahit sino, kahit hindi marunong lumangoy ay lulutang. Ang bahagi ng asin sa Dead Sea ay sampung beses na mas marami kung ihahambing sa ibang mga dagat.

KINILABUTAN sila nang sila ay magpunta sa Shrine of the Book na bahagi ng Israel Museum at makita ang ilang bahagi ng Dead Sea Scroll.

Hinagilap ng kanilang mga mata ang mga impormasyong nakasabit sa mga dinding at nakapatong sa mga mesa. Pahapyaw nilang binasa ang mga iyon at nagkaroon sila nang maliit na kaalaman sa kasaysayan ng Dead Sea Scrolls.

Nalaman nila na ang nakasulat dito ay katulad din ng nakasulat sa Old Testament, tulad ng mga pinakamatandang sinasabi sa “Book of Esther” at ilang bahagi sa mga sinasabi sa “Book of Apocrypha”. Isa rin sa pinakamatandang sinasabi rito ay tungkol sa “War of the Sons of Darkness and Light.”

NAANTIG ang kanilang kalooban ng magpunta sila sa Bethsaida – ang lugar na pinagmilagruhan ng Panginoong Hesukristo na ang bulag ay muling nakakita.

PAGOD na sila ngunti ang kanilang kapaguran ay nawala ng umakyat sila sa Mount of Olives doon ay binisita nila ang St. Stephen’s Church, Church and Garden of Gethsemane at Chapel of the Ascencion.

PAGHANGA ang kanilang nadama ng sila ay umakyat sa Mount of Temptation at doon ay nagdasal sila sapagkat sa lugar na ito tinangkang akitin ni Satanas ang Panginoon.

Tapos na ang anim na araw na pamamasyal. Ipinasiya nilang italaga ang huli at ikapitong araw sa Bethlehem at sa ilang piling lugar sa Jerusalem.

MAY KARUGTONG

                                                                                                Rene Calalang

                                                                                                Scarborough, Ontario

                                                                                                November 21, 2009

Comments are closed.